Kung Paano Mananatiling Positibo | Pagaaral
2 Sa kabila ng mga pagpapalang ito, ang ilang tapat na lingkod ng Diyos ay may negatibong mga kaisipan tungkol sa kanilang sarili. Pakiramdam nila, wala silang gaanong halaga kay Jehova ni ang paglilingkod nila sa kaniya. Para sa mga indibiduwal na laging may gayong negatibong damdamin, ang buhay ay waring punô ng kalungkutan at imposibleng maging maligaya sa loob ng "maraming taon."